Propietarios - Información sobre la protección

Ang mga nangungupahan sa California ay mayroong iilang mga proteksyon mula sa pagpapaalis na nasa ilalim ng batas ng estado pati na rin sa ilalim ng mga lokal na batas sa iilang mga lungsod at lalawigan. Ang pahinang ito ay naglalarawan ng mga proteksyon sa ilalim ng COVID-19 Tenant Relief Act ng California at ng COVID-19 Rental Housing Recovery Act (“ang Acts”), kung saan kinailangang binago ng AB 832. Ang nilalaman ng mga proteksyon sa pagpapaalis na ibinigay sa ilalim ng Acts ay magpapabago sa ilang mga paraan mula Oktubre 1, 2021, kaya importanteng rebyuhin ang mga naaangkop na batas, karagdagan sa impormasyon sa ibaba, upang mas maunawaan ang iyong mga karapatan at responsibilidad bilang isang kasero. Nagbibigay din ang Acts ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong mga kasero at nangungupahan para sa mga naipong hindi pa bayad na renta ng nangungupahan mula Abril 1, 2020. Mula Oktubre 1, 2021, ikaw ay kinakailangang mag-apply para sa tulong pinansyal na ito bago mo mapaalis ang isang nangungupahan dahil sa hindi pagbayad ng renta sa panahon ng pandemyang COVID-19. Depende sa iyong espesipikong kalagayan at kung saan ka nakatira, ang mga nangungupahan sa iyo ay maaaring mayroon pang ibang mga proteksyon mula sa pagpapaalis na kailangan mong sundin. Nararapat na ikaw ay makipagusap sa isang abogado upang malaman kung anong mga batas ang mag-aapply sa iyong espesipikong sitwasyon.

Naiintindihan namin na maraming mga homeowner at mga kasero ang nakaranas ng pagkawala ng kita dahil sa pandemyang COVID-19. Ang mga homeowner ay maaaring nawalan lahat o parte ng kanilang kita dahil nawalan sila ng trabaho, nabawasan ang kanilang oras ng trabaho o kinailangang magbakasyon upang alagaan ang mga miyembro ng pamilya.

Maraming mga kasero ang nakaramdam ng epekto ng pandemya habang ang mga nangungupahan ay hindi na makapagbayad ng buo o parte ng kanilang mga renta.

Ang COVID-19 Tenant Relief Act at the COVID-19 Rental Housing Recovery Act (“ang Acts”), kung saan binago kamakailan at idinagdag ng AB 832, ay nagbibigay ng kaunting tulong.


Tulong sa Renta


Mula Oktubre 2, 2021, ang isang kasero na nagnanais na paalisin ang isang nangungupahan dahil sa hindi pagbayad ng renta na dumating anumang oras mula Marso 1, 2020 ay kinakailangang mag-apply muna para sa tulong pinansyal sa pamamagitan ng programa tulong sa renta ng estado o lokal na pamahalaan. Ang hindi pag-aapply ay magreresulta sa pagpigil sa korte mula sa pag-isyu ng hatol sa aksyong unlawful detainer (labag sa batas na pag-aantala).

Ang magandang balita ay madali lamang mag-apply para sa tulong sa renta at ang mga kwalipikadong mga kasero at nangungupahan ay makatatanggap ng 100% ng lahat ng naipong hindi bayad na renta sa panahon ng pandemyang COVID-19.


Mortgage Forbearance


Ang mga proteksyon sa Mortgage Forbearance ay nag aapply sa mga homeowner at mga kasero na mayroong apat (4) o mas kaunti pang mga propyedad, ito man ay mga propyedad na tinitirahan ng may-ari o hindi, at nagkararanas ng kahirapan sa pagbabayad ng mortgage dahil sa COVID-19.

Ang mga homeowner at maliliit na kasero ay dapat makipag-ugnayan sa kanilang mortgage servicer – ang kompanyang pinadadalhan ng bayad sa mortgage – para sa mga maaaring opsyon. Inutos ng pederal na batas na alamin ng mga pinansyal na institusyon kung anong entity ang nagmamay-ari ng mga mortgage loan na kanilang sineserbisyohan. Kapag nakipag-ugnayan ka sa iyong servicer upang humiling ng tulong sa pagbabayad, dapat mong tanungin kung ang iyong mortgage ay federally-backed (pinagmamay-ari o ginarantiya ng isang pederal na ahensya ng mortgage tulad ng Fannie Mae, Freddie Mac, ng Federal Housing Administration o ng Veterans Administration) o hindi federally-backed.

Kung ikaw ay may mortgage na federally-backed, maaari kang humiling ng forbearance alinsunod sa pederal na CARES Act (Coronavirus Aid, Relief, and Economic Security) upang tulungang maiwasan ang pagiging delingkwente sa iyong mortgage.

Kung ikaw ay may mortgage na hindi federally-backed, maaari ka ring makipag-ugnayan sa iyong servicer sa paghiling ng forebearance kasabay ng iba pang mga opsyon na maaari para sa iyo.

Para sa lahat ng mga mortgage, ito man ay federally-backed o hindi, kinakailangang magbigay ang iyong servicer ng detalyadong deskripsyon na nagpapaliwanag kung bakit hindi pinayagan ang hiling na forebearance, kung saan nakasaad ang eksaktong mga dahilan para sa hindi pag-apruba.

Kung may nawawalang impormasyon sa eksplanasyon ng servicer o mali sa iyong hiling, mayroon kang 21 na araw upang i-update ito at i-tama ang mga nasabing isyu.

Ang karagdagang mga proteksyon sa homeowner at kinakailangan ng lender bago makapaghain ang bangko ng pagbatid ng hindi pagkakabayad sa iyong mortgage ay kinabibilangan ng:

  • Ang pagbigay sa iyo ng abilidad na labanan ang alinman sa 30-araw na pag-kontak o ang paalala sa pagdeny ng forebearance. (Ang 30-araw na pag-kontak ay tumutukoy sa hindi bababa na 30 na araw na pag aantay ng isang lender upang maghanap ng bayad pagkatapos makipag-ugnayan sa isang tagahiram bago maghain ng isang Pagbatid ng Hindi Pagkakabayad.)
  • Isang kinakailangan sa mga lender sa paghain ng paalala sa pagdeny ng forebearance ay pagsabay ng mga kinakailangang mga deklarasyon ng kontak ng tagahiram kapag tinala ang isang pagbatid ng hindi pagkakabayad.
  • Ang karapatan ng mga homeowner o maliliit na kasero na maghain ng cause of action (kaso) kung ang kanilang lender ay lumabag sa batas at nakasama ito sa kanila.

Kung ika’y naniniwala na nagkaroon ng pinsala sa iyo dahil sa paglabag ng iyong lender sa batas, nararapat na ikaw ay kumunsulta sa isang abogado. Kung kailangan mo ng mababa o libreng ligal na tulong, bumisita sa www.lawhelpca.org at/o https://housing.ca.gov/resources/tenant.html para sa karagdagang mga mapagkukunan ng impormasyon.

  • Fact Sheet: Bagong mga Proteksyon at mga Alituntunin para sa mga Homeowner at Maliliit na Kasero
    Ingles