Mga Form para sa Kasero
- 3-Araw na Paalala upang Magbayad o Umalis (Ang Hindi pagbayad ng Renta mula Oktubre 1, 2021 hanggang Marso 31, 2022)
- Paalala sa Code of Civil Procedure seksyon 1179.04(c) – Kailangang gamitin ng isang kasero ang paalalang ito kung ang nangungupahan sa kanila ay hindi nakapagbayad ng renta sa pagitan ng Marso 1, 2020 at Setyembre 30, 2021, kahit na ang kasero ay hindi nagnanais maghain (maski na sa oras na ito) ng aksyong unlawful detainer. Ang paalalang ito ay upang ipaalam sa nangungupahan na maaaring mayroon silang proteksyon sa pamamagitan ng COVID-19 Tenant Relief Act at dapat ibigay ng kasero ang paalalang ito sa o bago ang Hulyo 31, 2021. Ang Paalala para sa Code of Civil Procedure seksyon 1179.04(c) ay dapat maibigay bago o kasabay ng Paalala sa Code of Civil Procedure seksyon 1179.03(b)(4) o ng Paalala sa Code of Civil Procedure seksyon 1179.03(c)(4) o ng Code of Civil Procedure seksyon 1179.03(c)(5) o ng Paalala sa Code of Civil Procedure seksyon CCP 1179.03(c)(6) kung ninanais ng kasero na maghain ng aksyong unlawful detainer upang paalisin ang nangungupahan.
- 15-Araw na Paalala upang Magbayad o Umalis (Hindi pagbayad ng Renta sa pagitan ng Setyembre 1, 2020 at Setyembre 30, 2021) (Code of Civil Procedure seksyon 1179.03(c)(6)) - Kailangang gamitin ng isang kasero ang paalalang ito sa o pagkatapos ng Hulyo 1, 2021 bilang karagdagan sa iba pang mga paalala/impormasyon na maaaring kinakailangang ibigay ng kasero sa nangungupahan (hal. mga paalala na sakop ng Code of Civil Procedure seksyon 1161, Code of Civil Procedure seksyon 798 et seq. (ang Mobilehome Residency Law), etc.) kung ang kasero ay nagnanais na maghain ng aksyong unlawful detainer upang paalisin ang nangungupahan dahil sa hindi pagbayad ng renta sa pagitan ng Setyembre 1, 2020 at Setyembre 30, 2021 (hal. ang “transition time period”).
- Paalala sa Code of Civil Procedure Seksyon 1179.02.5(d) – Kailangang ipadala ng kasero ang paalalang ito kasama ang Paalala sa Code of Civil Procedure seksyon 1179.03(b)(4), Paalala sa Code of Civil Procedure seksyon 1179.03(c)(4), at Paalala sa Code of Civil Procedure seksyon 1179.03(c)(5) kung kasero ay mayroong hawak na patunay ng nangungupahan na nagsasabing isang “nangungupahan na may malaking kita” (high-income tenant) (hal. lumalagpas sa 130% ng area median income na inilabas ng Kagawaran ng Housing at Community Development para sa lalawigan kung nasaan nakatayo ang ari-arian).
- 15-Araw na Paalala upang Magbayad o Umalis (Hindi pagbayad ng Renta sa pagitan ng Marso 1, 2020 at Agosto 31, 2020) - Kailangang gamitin ng isang kasero ang paalalang ito bilang karagdagan sa iba pang mga paalala/impormasyon na maaaring kailanganing ibigay sa nangungupahan (hal. mga paalala na sakop ng Code of Civil Procedure seksyon 1161, Code of Civil Procedure seksyon 798 et seq. (ang Mobilehome Residency Law), atbp.) kung nagnanais ang kasero na maghain ng aksyong unlawful detainer upang mapaalis ang nangungupahan dahil sa hindi pagbayad ng renta sa pagitan ng Marso 1, 2020 at Agosto 2020 (hal. ang “protected time period”).
- 15-Araw na Paalala upang Magbayad o Umalis (Hindi pagbayad ng Renta sa pagitan ng Setyembre 1, 2020 at Enero 31, 2021) - Kailangang gamitin ng isang kasero ang paalalang ito bago ang Pebrero 1, 2021 bilang karagdagan sa iba pang mga paalala/impormasyon na maaaring kailanganing ibigay sa nangungupahan (hal. mga paalala na sakop ng Code of Civil Procedure seksyon 1161, Code of Civil Procedure seksyon 798 et seq. (ang Mobilehome Residency Law), atbp.) kung nais ng kasero na maghain ng aksyong unlawful detainer upang mapaalis ang nangungupahan dahil sa hindi pagbayad ng renta sa pagitan ng Setyembre 1, 2020 at Hunyo 30, 2021 (hal. ang “transition time period”).
- 15-Araw na Paalala upang Magbayad o Umalis (Hindi pagbayad ng Renta sa pagitan ng Setyembre 1, 2020 at Hunyo 31, 2021) (Code of Civil Procedure seksyon 1179.03(c)(5)) – Kailangang gamitin ng isang kasero ang paalalang ito sa o bago ang Pebrero 1, 2021 bilang karagdagan sa iba pang mga paalala/impormasyon na maaaring kailanganing ibigay sa nangungupahan (hal. mga paalala na sakop ng Code of Civil Procedure seksyon 1161, Code of Civil Procedure seksyon 798 et seq. (ang Mobilehome Residency Law), atbp.) kung nais ng kasero na maghain ng aksyong unlawful detainer upang mapaalis ang nangungupahan dahil sa hindi pagbayad ng renta sa pagitan ng Setyembre 1, 2020 at Hunyo 30, 2021 (hal. ang “transition time period”).
- Paalala sa Code of Civil Procedure Sekyon 1179.04(a) – Kailangang gamitin ng kasero ang paalalang ito kung hindi nakapagbayad ng renta ang nangungupahan sa kanila sa pagitan ng Marso 1, 2020 at Agosto 31, 2020, kahit na ang kasero ay hindi nagnanais maghain (maski na sa oras na ito) ng aksyong unlawful detainer. Ang paalalang ito ay upang ipaalam sa nangungupahan na maaaring mayroon silang proteksyon sa pamamagitan ng COVID-19 Tenant Relief Act at dapat ibigay ng kasero ang paalalang ito sa o bago ang Setyembre 30, 2020. Ang Paalala para sa Code of Civil Procedure seksyon 1179.04(a) ay dapat maibigay bago o kasabay ng Paalala sa Code of Civil Procedure seksyon 1179.03(b)(4) o ng Paalala sa Code of Civil Procedure seksyon 1179.03(c)(4) kung ninanais ng kasero na maghain ng aksyong unlawful detainer upang paalisin ang nangungupahan.
- Paalala sa Code of Civil Procedure seksyon 1179.04(b) – Kailangang gamitin ng kasero ang paalalang ito kung ang nangungupahan sa kanila ay hindi nakapagbayad ng renta sa pagitan ng Marso 1, 2020 at Hunyo 30, 2021, kahit na ang kasero ay hindi nagnanais maghain (maski na sa oras na ito) ng aksyong unlawful detainer. Ang paalalang ito ay upang ipaalam sa nangungupahan na maaaring mayroon silang proteksyon sa pamamagitan ng COVID-19 Tenant Relief Act at dapat ibigay ng kasero ang paalalang ito sa o bago ang Pebrero 28, 2021. Ang Paalala sa Code of Civil Procedure seksyon 1179.04(a) ay dapat maibigay bago o kasabay ng Paalala sa Code of Civil Procedure seksyon 1179.03(b)(4) o Paalala sa Code of Civil Procedure seksyon 1179.03(c)(4) o Paalala sa Code of Civil Procedure seksyon 1179.03(c)(5) kung ninanais ng kasero na maghain ng aksyong unlawful detainer upang paalisin ang nangungupahan.
- Paalala sa Hangaring Mag-Foreclose – Ang batas sa California (Civil Code Seksyon 2924.8(a)) ay nagsasaad na kailangan ng may-ari ng propyedad na bigyan ang sinumang nangungupahan na nakatira sa isang propyedad na mayroon ng nakapaskil na pagbatid ng pagbebenta upang abisuhan ang bagong may-ari ng propyedad na bigyan ang nangungupahan ng bagong lease o kasunduan sa renta o pagbigay sa nangungupahan ng 90-araw na paalala ng pagpapaalis. Dagdag dito, ang bagong may-ari ng propyedad ay kinakailangang sundin ang lease maliban na lang kung ang bagong may-ari ay titirahan at gagawing pangunahing tirahan ito o sa ilalim ng limitadong kalagayan. Isa ring paglabag ang pagtanggal sa paalala sa loob ng 72 na oras mula na ito’y mapaskil.